Pagsubok, paglago
at pagpapakumbaba. Masasabi ko na sa mga panahong ito, ito ang pinakamabigat na
pag-aaral na aming ginawa ngayon. Ang pagdurusa sa pagsunod sa Kanya na
kailangan mong maging masaya kahit hindi mo makita ang bunga. Gayon din ang
nangyari kay John the Baptist. Kahit na ipinagkaloob niya ang kanyang buhay
para ihanda ang daan ng Panginoon, hindi nya nakita ang paghahari ng Diyos
kahit na siya ang binansagan na pinakadakila sa lahat.
Naalala ko pa yung
isang activity kung saan aming pinag-aralan ang kantang “Though you slay me”. Nakasulat
doon na patuloy ko pa ring sasambahin ang Panginoon kahit ako ay binabasag Niya.
Napakahirap, pero sa kabila nito ay may bunga maaaring hindi ngayon pero sa darating
na panahon. Sabi nga, ang paglilingkod sa Panginoon ay hindi nagdudulot ng
kasiyahan, kundi kabanalan.
Trials, growth and humility. I can say that at this
time, this must be the heaviest topic we have studied. This happened to John the Baptist. He devoted
his life to prepare the way for the Lord, yet he was not able to see the kingdom
of God even though he was said to be the greatest of all.
I remember one of our activities where we listened to
and pondered on the song entitled “Though you slay me”. It was written there
that “I will continue to praise the Lord though He slays me. It is so hard but
it’s doing something. I may not be seeing it now but later I will. As it says,
“serving the Lord does not result to happiness but holiness”.
Blesie Grace - Batangas—